Monday, December 28, 2009

bes. ;)

"The rain may be falling hard outside,But your smile makes it all alright.I'm so glad that you're my friend.I know our friendship will never end." -- Robert Alan :)

*dahil special to tagalog muna*

2007-2008.

Meron akong isang nakilala. Nung una di naman kami close, di kami nagpapansinan, di ko talga siya kilala. Ang alam ko lang pinsan siya ni John Elli D. Baltazar. Magkaiba kami ng seksyon, ako 8-Saint Catherine Laboure samantalang siya ay 8-SJGP. Magkaiba din kami ng set of friends. Totally strangers.. parang ganun na nga. hangang...

2008-2009

Hindi ko na kaklase ang pinsan niya. Pero kaming dalawa ni Renz Ashlyn L. Baltazar ay naging magkaklase. Pinsan niya, 9-BGM. kami naman 9-BLJF. :) Nung una, di kami nagpapansinan. Wala lang casual lang. Tapos, naging friends na kami. di ko nga alam pano nagsimula un ih. basta friends na kami. :) nung birthday ko.. July 14. Nagbigay siya ng letter ay di lang basta letter. may drawing pa. :) haha. iniingatan ko un hanggang ngaun. ^^ Nandun sa letter nakalagay kung ano mga gusto niya iregalo sakin. Kung may pera lang daw siya magrregalo siya ng kotse, bahay at lupa at iba pa. bongga db ? :p haha ! alam din niya kung sino crush ko.. Si kevin cuison un. 'KC' Corridor boy pa nga tawag namin sa kanya. :) at may nakalagay din dun na... Bess ng pinsan kong si Elli. :)

Lumipas pa ang ilang buwan. lalo ko siya nkilala. lagi na kami magkasama. :) Kasama din si Alex Ulep. :D Marami rin siyang malaman sakin. At paborito namin ang numerong 19. alam na niya kung ano dahilan. At dahil dun mas lalo kami naging close. Lagi ko siyang nakaka-chat. Umaga, Tanghali, Hapon o Gabi man.. :) Nagsshare siya ng stories sakin. Nkikinig ako, nagbibigay ng mga payo. :) Pero minsan pag ako naman magkkwento sa kanya sasabhin niya. shut up! :)) haha. ndi ako nagagalit. natutuwa ako. :D haha. kasi sa lahat ng mga nkilala ko siya ang kakaiba. UNIQUE talga. :) haha. pero pag nasa mood naman siya nkikinig yon. :)

2009-2010.

Mas lalo ko siyang nakilala. :) Mas naging mahalaga siya sakin. Halos lahat alam na niya tungkol sakin. Lahat ata ng aspeto sa buhay ko alam niya ih. Sa pamilya ko, sa studies ko, sa mga kaibigan, at iba pa. Ganun kami ka-close. Tuwing lunch, recess, magkasama minsan pati uwian. At paborito namin gawin ay ang bulletin board. Lagi niya ako kasma. Parang sidekick lang ako. :)) siya kasi ung master. :) Lagi kami nananalo. Alam mo kung bakit ako laging natutuwa kapag nananalo kami? Kasi, di lang sa karangalan ng BLJDO. Kundi pati na rin.. Worth it pala ung hirap na ginawa namin. :) Minsan siya na lang ang gumagwa. Pero syempre di ko siya iiwan. Tutulong ako sa kanya hanggang sa makakaya ko pa. Kaya yong bulletin board. Simple lang yon. :) Arts arts arts ! Drawing dito, drawing don.. kulay dito kulay don. yan ang madalas niyang ginagawa. Minsan nga pag mag qquiz ako na lang sasagot kasi busy siya at naiintindihan ko naman yon. :) kasi hilig niya un bawal istorbo. mwawala momentum niya. :))

Bukod sa pagtulong sa BB. May mas mahalaga akong ginagawa pa sa kanya at un ang pakikinig, pagbibigay ng advice sa mga problema niya. Madalas tungkol sa isang babae at isang nakalipas. :p Minsan sa pamilya at mga kaibigan. :)

Tuwing absent siya hinahanap ko na siya agad. Tuwing pagpasok ko nga lang ih. Tatanong ko kagad sa mga kaklase ko nasan si Renz? :) Ganun na ang routine ko. Kaya di ko na alam ano ang mangyayari sakin pagkatapos ng Jan. 24. : Di kasi talaga ako sanay na wala siya.

Kaya naman sinasabi ko na sa sarili ko na okay lang yon. Yoko din magpakita ng emosyon sa kanya. Pero nung christmas party na naging despedida party para sa kanya... Buti nga di ako ung nagsalita, kundi si Maber. Kundi, baka wala ako masabi, ayaw ko kasi magpaalam. Aun. di ko na kasi mapigilan ih. Isipin mo, iiwan ka ng matalik mong kaibigan?! ung kaibigan mo na lagi mo kasama. Sa pagkain ng takoyaki. Sa paggawa ng bulletin board, tuwing recess sa cafe, lunch.. at uwian. Pano kaya yon db ?! Kaya ndi pa rin ako maka-get over don. :

Ayoko talaga ng 'goodbyes' kung pde nga lang na sumama ako sa bagahe niya okay lang ih. wag na lang kaya siya umalis? Kung pde lang nila Boycottin ung pag alis nila ih. haha ! joke lang. :p Pero syempre magiging okay sa pamilya nila kung sama-sama sila. Ayaw ko naman maging selfish. :)) haha. nakuha ko pang maging selfish nuh? :p


- Cute siya.
- Chubby ( pareho kami onti )
- Matakaw sa TakoYaki.
-Paborito niya si Gaara.
-Mahilig siya sa aso't pusa.


- Siya ay ndi ko BESSS.
- Di ko rin siya BESS.



- BES 'FRIEND' KO SIYA,



si RENZ ASHLYN L. BALTAZAR.






Grade 9 photos :)


No comments:

Post a Comment